839

By

2 SWAT member huli sa pagpupuslit ng alak, tabako sa Bilibid

Sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang dalawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na nakatalaga sa New Bilibod Prison (NBP) matapos mahulihan ng mga alak at tobacco sa Muntinlupa City nitong Biyernes.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Major Alberto Tapiru, pansamantalang hindi muna ilalabas ang pangalan ng dalawang miyembro ng SWAT habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kanila.

Sinabi ni Tapiru, posibleng kasong administratibo ang isasampa laban sa dalawang pulis na nakumpiskahan ng dalawang bote ng alak at 60 tabako.

Batay umano sa presyuhan ng mga ito, nagkakahalaga ng P6,000 ang isang litro ng alak habang P4,000 naman ang kada isang tobacco na binebenta sa mga preso na may kakayahan na bumili.

Bukod pa rito, isang preso ang nakuhanan naman ng 54 na stick ng sigarilyo.

Wala namang impormasyong maibigay ang mga preso kung saan nanggagaling ang mga ipinupuslit na sigarilyo.

Lumalabas sa report, alas-11:00 ng umaga nang maharang ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ang dalawang pulis na nagtangkang magpuslit ng mga alak at tabako sa Control Gate 4 ng maximum compound ng NBP.

“Isasailalim po sa imbestigasyon ang dalawang pulis na ito, dahil bago pa lamang ito natalaga sa NBP na halos isang linggo pa lamang sila doon,” ani Tapiru.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?