426

By

2 Spice Girls member nagyugyugan sa kama

Umamin ang isang miyembro ng all-female group na Spice Girls na may kapwa miyembro itong ‘nakalaro’ sa kama.

Sa panayam ni Piers Morgan kay Mel B, Melanie Brown sa tunay na buhay, ibinulgar nito ang juicy revelation na magpapahiyaw sa madla.

Tanong ni Morgan: “Did you or didn’t you with Geri Halliwell?”

“Well, what do you consider as doing it or not?” sagot naman ni Mel B.

Balik ni Morgan: “Did you sleep with her?”

“Yeah, we all slept in a bed together but not ‘like that’ all of us,” pag-amin ng singer.

“Did you sleep with Geri ‘like that’?” pangungulit ng English broadcaster.

Napaamin na lang si Melanie sa tanong at kinumpirmang may nangyari sa kanilang dalawa ni Halliwell.

“She’s going to hate me for this because she’s all posh in her country house and her husband. But it’s a fact. It just happened and we just giggled at it and that was it.”

Ang Spice Girls ay sikat noong 90’s na binubuo nina Brown, Haliwell, Victoria Beckham, Melanie Chisholm at Emma Bunton.

Kanilang pinasikat ang mga kanta tulad ng ‘Wannabe’, ‘2 become 1’ at ‘Stop’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?