102

By

2 sekyu sinaksak ng estudyanteng sinita sa pag-iinuman

Sugatan ang dalawang guwardiya matapos kuyugin at saksakin ng mga estudyanteng sinita dahil sa pag-iinuman sa loob ng paaralan sa Catbalogan City, Samar.

Ayon sa report sa 24-Oras, nagkagulo ang mga estudyante sa isang paaralan sa Catbalogan matapos pagtulungan ng mga estudyante ang guwardiya nilang si Joefrey Cabreza.

Napatakbo si Cabreza sa loob ng paaralan pero hinabol siya ng mga estudyante at binato ng mga signage.

Sumaklolo ang isa pang sekyu na si Dino Lamogral pero maging ito ay dinamay ng mga estudyante.

Isa sa mga estudyante ang naglabas ng ice pick at sinaksak ang dalawang guwardiya.

Kasalukuyan nang ginagamot ang dalawang guwardiya sa ospital habang naaresto ang estudyanteng nanaksak na 16-anyos lang umano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?