56

By

2 Russian diplomats, pinatalsik ng Australia

Inanunsiyo ng Australia ang pagpapatalsik nito sa dalawang Russian diplomats bilang tugon sa nerve agent attack sa dating Russian military intelligence officer at anak nito sa Britain.

Sinabi ni Prime Minister Malcolm Turnbull sa isang pahayag, na ang dalawang diplomats ay undeclared intelligence officers, at binigyan ng pitong araw para lisanin ang Australia.

Tinuligsa rin nito ang pag-atake at sinabing “the first offensive use of chemical weapons in Europe since World War II.”

Tinawag din niya itong “reckless and deliberate” na ginawa ng Russia na nakasira sa global security at lumabag sa panuntunan laban sa paggamit ng chemical weapons.

Nauna nang kinondena ng Turkey ang poison attack laban sa dating Russian spy sa Britain, pero wala itong plano na paalisin sa kanilang bansa ang mga Russian diplomat.

Nagpaalis na rin ang United States at kaalyado nitong European ng dosenang Russian diplomats dahil din sa naturang panlalason sa dating Russian spy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?