37

By

2 Pinoy squad laglag agad sa Mobile Legends World Cup

Maagang umuwi ang dalawang top Filipino squad matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa Mobile Legends M1 World Cup sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi nakalampas ang Mobile Legends Pro League-Philippines (MPL) runner-up na Onic PH sa group stage matapos gibain ng Evos Legends ng Indonesia at 10second Gaming+ ng Japan sa parehong 0-2 defeat.

Wagi naman sila sa Deus Vult mula Russia para malagay sa 9th-12th place finish.

Samantala, pwesto sa 5th-6th position ang Sunsparks matapas ang 2-1 win kontra sa lahat ng kanilang nakalaban, ngunit naputol ang winning streak ng gapiin ng Burmese Gouls ng Myanmar.

Nag-uwi ng nasa P400,000 ang Sunsparks habang P200,000 naman ang binulsa ng Onic PH.

Nagharap naman ang top two Indonesian squad sa finals, ang Evos Legends at Rex Regum Qeon kung saan ang una ang tinanghal na kampeon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?