230

By

2 Pinoy seaman todas sa arson attack sa Mexican strip club

Nadamay sa nangyaring pag-atake sa isang Mexican strip club ang dalawang Filipino seafarer.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 28 ang nasawi matapos atakehin ng mga gunman at sunugin ang Caballo Blanco (White Horse) sa Veracruz noong Martes ng gabi kung saan siyam na katao pa ang malubhang nasugatan.

Hinarangan umano ng mga suspek ang exits at sinilaban ang club.

Dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar ay hindi namalayan ng mga customer at dancer ang pag-atake hanggang sa nasusunog na ang bar.

Karamihan umano ng mga biktima ay namatay sa nalanghap na usok habang hindi pa batid kung ilan ang namatay sa tama ng bala.

Halos lahat din umano ng mga nasawi ay mga dancer.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Mexico sa mga awtoridad ng Mexico at sa manning agency ng mga biktimang seaman para sa repatriation ng kanilang mga labi na hindi muna pinangalanan ng DFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?