110

By

2 Pinoy seafarer dinukot ng mga pirata sa Africa

Dinukot ng mga pirata ang apat na crew ng isang Greek-flagged ship sa karagatan ng Togo sa West Africa noong Lunes.

Siyam na katao naman ang pinaghahanap ng mga awtoridad sa kalapit na Benin na dinukot din mula sa isang Norwegian-flagged ship.

Ayon sa Greek Merchant Marine Ministry, apat sa 24 crew ng Elka Aristotle ang kinidnap.

Isang Greek, dalawang Pilipino at isang taga-Georgia.

Ligtas naman ang iba pang crew maging ang sinasakyan nilang barko.

Samantala, beneberipika na ng Department of Foreign Affairs ang nasabing ulat na pagdukot sa dalawang Filipino seaman at dalawa pang banyaga.

“We are working to release an initial statement on the previous report of abduction in Benin this morning. This 2nd report on Togo will also need primary verification before statement release,” saad ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?