60
DFA tutok sa 7 Pinoy sa nawalang Brunei fishing vessel
By

2 Pinoy patay sa aksidente sa Palau – DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na dalawang Pilipino ang nasawi habang isa pa ang sugatan matapos silang maaksidente sa Palau Island.

Sa inilabas na statement, sinabi ng DFA na tatlong Pinoy ang nasangkot sa aksidente ng flatbed truck

noong September 29. Dalawa sa mga ito ang namatay.

Nawalan ng kontrol sa naturang sasakyan kaya nahulog sa karagatan ng Palau, isang island country sa western Pacific Ocean.

Nakikipagtulungan na umano ang DFA sa Palau authorities para sa agarang repatriation ng mga labi ng dalawang biktima.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Palau authorities na walang nangyaring foul play sa insidente.

Pumayag ang employers ng mga biktima na sagutin ang gastos sa pag-uwi sa Pilipinas ng mga bangkay ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?