84

By

2 pekeng seaman huli sa NAIA

Hindi nakalusot ang dalawang lalaking nagpanggap na seafarers matapos mabuking ng Bureau of Immigration (BI) ang dala ng mga itong pekeng dokumento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BI, nagpresinta ang dalawang lalaki na hindi pinangalanan, ng mga pekeng overseas employment certificates (OEC), seaman’s books at letters of guarantee na mula umano sa kanilang shipping agent.

Patungo sana ang dalawa sa Hongkong en route sa Dubai, United Arab Emirates noong Hulyo 2 pero naharang sa NAIA Terminal 3.

Sa ginawang interogasyon, umamin ang dalawa na nagbayad sila ng tig-P5,000 sa kanilang handler para sa mga pekeng dokumento.

Itinurn-over na ang mga ito sa Inter-Agency Council Against Trafficking para maimbestigahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?