23

By

2 patay, 3 sugatan sa paghulog ng ambulansya sa bangin ng Mt. Province

Patay ang dalawang lalaki matapos na bumulusok ang isang ambulansya sa bangin habang binabagtas ang Bontoc, Mountain Province nitong Martes.

Ayon sa mga rescuer, nasawi sa pinangyarihan ang driver na si Franklin Angawa, 37, at Earole Kurt Akiate, 21.

Habang naisugod naman sa ospital sina Rexton Duyapat, 20, Nelda Joy Tapyugon, 23, at Anabelle Attang, 32, dahil sa mga tinamong sugat.

Ayon sa Bontoc Disaster Risk Reduction and Management Office, ang ambulansya ay patungo sana sa Hungduan Municipal Hospital nang biglang mahulog sa bangin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?