57

Mar 20, 2020 @ 17:47
By

2 pasyente sa La Union nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ng Department of Health na dalawang pasyente sa La Union ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ulat sa DZMM, kinumpirma ng DOH Region 1 na nagkaroon ng dalawang positibong kaso ng COVID-19 sa naturang lalawigan at iyon ang unang kaso ng virus sa buong lalawigan.

Maayos umano ang lagay ng mga pasyente at nakaranas lang ng lagnat ang isa sa mga ito.

Wala pang inilabas na detalye hinggil dito.

Natanggap nila ang resulta ng test mula sa Research Institute for Tropical Medicine kaninang umaga, Marso 20.

Nagmula ang mga pasyente sa Caba, La Union.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?