14

By

2 obrero malubha sa gumuhong riprap

Sugatan ang dalawang construction worker sa Baguio City matapos matabunan ng gumuhong lupa sanhi ng bumigay na pundasyon ng isang riprap dahil sa ulan noong Huwebes.

Kinilala ni Baguio City Police Office commander P/Col. Allen Rae Co ang mga biktima na sina Neil John Fernandez, 25, at Glenn Fontanos, parehong residente ng nasabing siyudad.

Ayon kay Co, ang insidente ay nangyari sa construction site sa bandang Camp 7, Kennon Road.

“Bigla pong nag-loosen ‘yung pundasyon ng riprap na ginagawa nila,” ani Co. “Sort of a landslide ng materials sa taas, natabunan ‘yung dalawang construction workers.”

Agad na nakita ang dalawang biktima na natabunan ng lupa, dinala sa Baguio General Hospital at ngayon ay ligtas na kahit may mga tinamong sugat sa kanilang ulo at katawan.

Sinabihan din ni Co ang mga turistang nagpupuntang Baguio City na dumaan sa Marcos Highway at Naguilian Road dahil ang Kennon Road ay sarado pa sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?