37

Feb 13, 2020 @ 14:05
By

2 nalambat sa P20,400 shabu sa Marikina

Kulungan ang bagsak ng dalawang tulak ng shabu matapos malambat sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina Police sa Barangay Tumana.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Jimmy Castillo, 35-anyos at Joseph Merano, 43-anyos, kapwa hindi kabilang sa listahan ng drug watch list at residente ng Marikina City.

Ayon kay PCol. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina Police, isinagawa ng mga tauhan ni PLt. Elmer Rigonan ng station drug enforcement unit ang buy-bust operation bandang 12:50 ng madaling araw, Pebrero 13, sa Palay St., Barangay Tumana matapos makipagtransaksyon ang isang police poseur buyer kay Castillo.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong plastic transparent sachet na nagkakahalaga ng P20,400 at P1,000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina CPS, Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?