670

By

2 magnitude 4.0 lindol yumanig sa Mindanao

Niyanig ng 2 lindol ang Mindanao nitong umaga ng Martes (Mayo 21), saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong alas-3:12 ng umaga, isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama 25 kilometro hilagang-silangan ng Remedios Romualdez sa Agusan del Norte, nakasaad sa Phivolcs bulletin.

Instrumental intensity 1 ang naramdaman sa Gingoog City.

Saad ng Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 13 km.

Makalipas ang ilang sandali, dakong 5:14 ng umaga, niyanig din ng magnitude 4.0 na lindol ang Surigao del Sur.

Saad ng Phivolcs, tumama ito 14 na kimometro timog-kanluran ng Cortes at may lalim na 14 na kilometro.

Tectonic din ang origin ng ika-2 lindol.

Samantala wala naman umanong inaasahang aftershocks at pinsalang dulot ng parehong lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?