48

By

2 magkasunod na pagsabog gumulantang sa mga residente ng Cotabato City

Dalawang magkasunod na pagsabog ang gumulantang sa mga residente ng Purok Omar sa Barangay Malagpas sa Cotabato City matapos na pasabugin ang tatlong M203 grenade launcher ng hindi pa kilalang mga suspek kagabi sa nasabing bayan.

Sa ulat ni Cotabato City Police Station 2 Deputy Commander Police Lt. Teofisto Ferre Jr., magkasunod na pinasabog ang M203 grenade launcher sa isang bakanteng lote dakong alas 10:00 ng gabi.

Sa isinagawang press briefing naman sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

“This is still under investigation. It was reported that transpired on May 12 at 10 pm, what we see here is yung parang nangyari sa BOL (Bangsamoro Organic Law), before the election or referendum ng BOL, may nagpasabog along the road. Parang ganito yung nakikita natin dito not necessarily para manakot but to show their presence,” pahayag ni Albayalde.

Dagdag pa ni Albayalde na wala namang naiulat na sugatan o nasawi sa naganap na pagsabog.

“Parang along sa vacant lot pinasabog ito. Walang intension ito na makasakit ng tao,” dagdag pa ni Albayalde.

Matatandaan na ang Cotabato City ay isa sa mga lugar sa bansa na isinailalim sa comelec control dahil sa mainit na banggaan ng dalawang tumatakbo sa pagka-alkalde sa pagitan nina Cytnhia Guiani at Bai Sandra Sema.

Inaalam pa ng awtoridad kung sino ang responsable sa naganap na pagpapasabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?