44

Dec 20, 2019 @ 8:55
By

2 LPA naispatan ng PAGASA

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa weather bureau, nakapasok na sa Philippine area of responsibility ang isa sa LPA na nasa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Mababa umano ang tsansa na maging tropical storm ito pero magdudulot ng light to moderate na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Samantala, naispatan naman ang ikalawang LPA sa silangan ng Davao City.

Mataas naman ang tsansa nito na maging bagyo, ayon sa PAGASA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?