45
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos

2 lalaki nirapido sa Batangas

Patay ang dalawang lalaki sa magkasunod na kaso ng pamamaril sa Batangas City nitong Biyernes ng gabi.

Kapwa dineklarang dead on the spot ang dalawang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Batangas City police, nangyari ang unang insidente sa Sitio Uno Tramo, Barangay Balagtas alas-10:50 ng gabi kung saan pinagbabaril ang biktimang si Eduardo Saavedra habang nakatayo lamang sa gilid ng kalsada.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek.

Makalipas lamang ang mahigit dalawang oras, nasawi din sa pamamaril sa Sitio Puyo, Barangay Sta Clara ang biktimang si Edison Dalisay, 32, residente ng Barangay Dumantay .

Mabilis ding nakatakas ang suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa dalawang pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?