81

By

2 Koreano nahulog sa hotel, patay

Dalawang Korean national ang binawian ng buhay nang mahulog umano sa tinutuluyang hotel sa Makati kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Police Col. Roger Simon, hepe ng Makati police, naka-check in umano ang dalawang lalaking Koreano sa isang hotel.

Ayon sa Makati police, dakong alas-5:50 ng madaling-araw noong Biyernes habang nagroronda ang kapulisan sa lugar ay biglang may narinig sila na malakas na tunog.

Nang puntahan ng pulisya, nakita nila ang nakahandusay na katawan ng 2 Koreano sa may Makati Ave.

Kasalukuyang tinitingnan ngayon kung may naganap ba na foul play sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?