63

By

2 Koreano arestado sa buy-bust sa Malate

Nahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga ang dalawang Korean nationals.

Naaresto ng mga operatiba ng Malate Police Station Drug Enforcement Unit ang mga Koreano na sina Yunsung Le at Hyun Kisuk dakong alas-2:45 ng madaling-araw.

Nakilala naman ang kasabwat ng mga ito na si Shyrel Tumbali na nadakip din.

Narekober sa mga suspek ang isang sachet at isang canister ng hinihinalang shabu, isang hiringgilya, aluminium foil na may bahid ng shabu, toother at ang P200 marked money.

Nakakulong na ang mga ito sa Malate Police Station habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?