45
Barker dampot sa iligal na droga
Jan 14, 2020 @ 9:28
By

2 kelot sa Nueva Ecija swak sa gunrunning

Laglag sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Cagayan (CIDG-Cag) ang dalawang lalaki dahil umano sa gunrunning o sa pagbebenta ng baril na walang kaukulang lisensiya rito sa Tuguegarao City noong Lunes.

Kinilala ni CIDG-Cag officer P/Lt. Col. Romeo dela Trinidad ang mga suspek na sina Rodelito Collado, 47, at Wilson Abengania, 39, parehong taga-Lupao, Nueva Ecija.

Base sa report, ayon kay Dela Trinidad, nakatanggap ng intelligence information ang CIDG-Cag na ang dalawang suspek ay nagbebenta ng mga baril sa nasabing siyudad.

Dahil dito, nagpanggap na buyer ang ilang miyembro ng kapulisan at nang tanungin kung lisensyado ang mga baril ay wala umanong maipakita ang dalawa kaya hinuli ang mga ito.

Nakuha sa operasyon ang isang calibre .45 pistol at .9mm pistol na na ibinebenta sa halagang P30,000.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung kanino nanggaling ang mga baril ng mga suspek na nakakulong sa CIDG-Cag jail.

Kasong illegal possession of firearm and ammunition ang sinampa laban sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?