24

Mar 24, 2020 @ 16:54
By

2 kelot pumuslit sa Luzon lockdown para mag-shabu

Dahil sa pagtatago sa oras ng curfew, huli ang dalawang lalaki habang nasa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng cargo truck sa isang farm sa Barangay Salcacion, Rosales, Pangasinan, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ng Rosales Police Station (rps) ang mga suspek na sina Marck Jonel M. Cariaga, alyas Jeb, 26, driver, ng Barangay Balite, Tarlac City at Adrian G. Hagunos, alyas Ryan, 26, truck helper, ng Barangay Caysio, Sta. Maria, Bulacan.

Sa report, ayon sa RPS, naganap ang insidente dakong alas-5:50 ng madaling-araw ng nakatanggap umano ang intelligence na tawag sa telepono ang RPS na ang dalawang suspek ay nagtatago sa nasabing truck upang hindi mahuli sa isinasagawang curfew hour dahil sa COVID-19.

Sinabi pa ng informant na bukod sa pagtatago, ay nasa aktong sumisinghot pa sina Cariaga at Hagunos ng shabu.

Dito, nagsagawa ang anti-illegal drug operation ang RPS at inaresto ang mga suspek na nasa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng truck na naka-parking sa bisinidad ng Patinum Wiing Farm sa nasabing barangay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga drug user paraphernalia.

Ang mga suspek ay dinala sa RPS at kaukulang kaso ang inihain sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?