196

2 kelot natagpuang naagnas sa abandonadong puting van

Tumambad ang bangkay ng dalawang lalaki sa loob ng isang puting van sa bakanteng lote sa Noveleta, Cavite.

Ayon kay Cavite police director Col. Marlon Santos, nagsisimula nang maagnas ang dalawang bangkay na nakitang nakatali at naka-packaging tape ang ulo ng mga biktima,

Bandang alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes umano nakatanggap ng report ang pulisya ukol sa isang puting Nissan Urvan na may plate number na NEA9089 na may masangsang na amoy at may nakita pang dugo na tumatagas mula sa nasabing van.

Dito na rumesponde ang awtoridad, at may nakuhang driver license sa crime scene na nakapangalan kay Ronan Muji at isang Miguelito Estrera, na parehong taga-Oriental Mindoro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?