38

By

2 Kano na wanted sa US, tiklo sa Pampanga

Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Pampanga ang dalawang Amerikano na pugante sa United States dahil sa large-scale fraud.

Ayon kay Immigration intelligence officer Bobby Raquepo, Hulyo pa nakalista sa kanila bilang wanted sina Robert Wayne Boling Jr., 38, at Allan Albert Velarde Kerr, 30.

Nag-isyu umano ang US district court sa Western Texas ng arrest warrants laban sa dalawa.

May mga kaso sina Boling at Kerr sa US ng wire fraud, conspiracy to commit money laundering at aggravated identity theft.

Bago umano naaresto ang mga pugante noong Agosto 7 ay wanted na rin umano ang mga ito dahil sa overstaying sa Pilipinas.

Kasalukuyan na umanong inaayos ang deportation cases laban kina Boling at Kerr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?