29
jail4
By

2 huli sa pagnanakaw ng vitamins, baterya

Arestado ang dalawang kawatan makaraang mabuking ng security guard ang kahina-hinalang kilos sa loob ng drug store, Lunes ng hapon sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ng Eastern Police District (EPD) ang mga suspek na sina Peter Relasco, 25, salesman, at Reynaldo Lamela, 38, kapwa residente ng Marikina City.

Nahaharap sa kasong theft (shoplift) at resistance and disobedience upon person in authority ang dalawang suspek nang mahuli ng security guard ng Mercury Drug Store na si Bernard Gabo sa BB Avenue kanto ng A. De Guzman St., Barangay Concepcion Uno, na paikot-ikot at nagsisilid ng gamot sa kanilang bulsa alas-12:30 ng tanghali (Agosto 26).

Nang papalabas na ay agad na siniyasat at hinanapan ng resibo ng security guard ang dalawa subalit agad na tumakas kaya hinabol pa ito ni Gabo.

Agad na sumakay ng jeep ang isang suspek na si Lamela at doon na nahuli ng security guard habang ang kasama nito na si Relasco ay tumakas na.

Dinala ni Gabo ang suspek na si Lamela sa Marikina CPS PCP-6 habang nagsagawa naman ng follow-up ang pulisya para mahuli sa Relasco na nasakote sa SSS Village at agad na dinala sa presinto alas-tres ng hapon.

Narekober mula sa kay Relasco ang isang pack ng Eveready battery na nagkakahalaga ng P135.40 at isang pack ng Mings candy (P42) habang nakuha kay Lamela ang pitong piraso ng multivitamins na nagkakahalaga ng P2,177.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina CPS custodial facility ang dalawang suspek. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?