20

Feb 27, 2020 @ 18:26
By

2 huli sa dice sa Pasig

Nalambat ng Pasig Police ang dalawang lalaki matapos maaktuhan na nagsusugal sa kalsada gamit ang dice kahapon sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Hernando Saquitan Jr, 35-anyos, driver at Andro Orta, 47-anyos, tubero, kapwa residente ng Pasig City.

Inaresto ang dalawa bandang 5:45 ng hapon, Pebrero 26, sa kahabaan ng Block 7 Alley 46, Barangay Maybunga, matapos magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Eastern MMDFU at PCP-4 Pasig CPS at nakumpiska mula sa mga suspek ang P660 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?