101
bulacan kuyas jason melano

2 free throw ni Melano, sumagip sa Bulacan Kuyas

Nasungkit ng Bulacan Kuyas ang back-to-back wins sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup nang padapain ang Caloocan Supremos, 86-82, Huwebes ng gabi sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Balik sa dating porma ang Bulacan sa Northern Division na umangat sa 13-8 baraha.

Nasa ikalimang pwesto ang Kuyas sa ilalim ng Bataan Risers, San Juan Knights, Manila Stars at Makati Super Crunch.

Limang manlalaro mula sa Kuyas ang tumapos ng double-figures sa pangungunahan ni Jason Melano na may 15 puntos kabilang na ang dalawa nitong free throws sa huling anim na segundo ng laro.

Bukod kay Melano, umayuda rin sa tropa sina JR Taganas na may 12 puntos at 12 boards, 13 puntos si James Martinez at may tig-12 puntos sina Jonathan Ballon at Stephen Siruma.

Kung pupuntiryahin ng tropa na makasungkit ng pwesto sa top four sa nasabing division ay kailangan mawalis nito ang huli nitong mga laro at kung may isa mga top four teams ang makakatikim ng sunod na talo.

Bagama’t isang solid game ang pinakita ni Mark Sarangay, na rumehistro ng 20 rebounds sa laro, hindi pa rin ito sapat para masikwat ang panalo.

Dulas sa 11 pwesto ng parehong division ang Supremos bitbit ang ika-14 nitong talo sa 22 laro. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?