32

By

2 empleyado arestado sa pagnanakaw ng kahon-kahong Korean noodles

Ipinadampot sa mga pulis ang dalawang babaeng empleyado ng Korean grocery store matapos nakawin ang may 20 kahon ng Korean noodles, Martes ng umaga sa Mandaluyong City.

Kinilala ng Eastern Police District ang inaresto na sina Judy Tumama, 27, logistic supervisor; at Kim Apao, 23, helper, kapwa empleyado ng MJ Global Corporation na matatagpuan sa 700 Lerma Compound Dowell St., Barangay Old Zaniga, ng nabanggit na lungsod.

Kilala ang MJ Global Corporation bilang distributor ng Korean goods sa bansa.

Ayon kay PSSupt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong Police, nagtungo sa tanggapan ng pulisya ang representative ng MJ Global Corp. na si Dexter John Ong, 31, para ipahuli ang dalawa nilang empleyado sa kasong pagnanakaw.

Inaresto ang dalawang suspek alas-10:03 ng umaga sa loob ng opisina ng MJ Global Corp.

Itinago ng mga ito ang may 20 kahon ng Korean noodles na nagkakahalaga ng P5,000 sa isang bahay sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Narekober naman ang kahon-kahong Korean noodles na ninakaw ng dalawa.

Kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong qualified theft sina Tumama at Apao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?