119

By

2 driver na nakapatay ng Chinese arestado

Nasa kustodiya na ng Mabalacat City Police ang isang Pinoy at isang Chinese na pawang sangkot sa pagkamatay ng isang turistang Tsino na nabundol sa San Fernando, Pampanga.

Nag-viral ang video ng insidente kung saan makikita ang pagsasalpukan ng mga sasakyan nina Jomarie Intal, residente ng Mabalacat City, at Jiang Ting Lin, taga- Fujian, China, noong Oct. 30.

Ayon sa report, mabilis umano ang pagpapatakbo ng mga suspek kaya nagsalpukan.

Sa lakas ng salpukan, umikot ang itim na Toyota Fortuner ni Jiang at tumama sa naglalakad lang sa kalsadang biktima na si Lin Zhigiang.

Tumilapon ang 27-anyos na biktima at tumama ang kanyang katawan sa bakal na poste.

Namatay kalaunan sa Mabalacat District Hospital si Zhigiang.

Panoorin sa ibaba ang viral video:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?