168

By

2 dedo sa motor, 8 sugatan sa bus

Patay ang dalawang binatang magkaaangkas sa motorsiklo habang siyam na iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa dalawang bayan sa probinsya ng Quezon.

Sa ulat ng San Narciso police, dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang dalawang motorcycle rider matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Calwit bandang alas-1:50, Sabado ng madaling-araw.

Bumangga ang mga biktima na sina Jerwin Carabot, 19 at Mark Jovel Abejuela, 18 sa isa pang motorcycle rider na si Blademer Culla, 20 anyos.

Wala umanong helmet sina Carabot at Abejuela nang mangyari ang aksidente.

Si Culla ay nananatili naman sa San Narciso Municipal Hospital.

Samantala, batay sa ulat ng Gumaca police, isang bus patungong Bicol ang sangkot sa aksidente sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Binambang bandang alas-3:30, Linggo ng madaling-araw.

Nawalan umano ng preno ang drayber ng DLTB bus na si Levie Talento dahilan para bumangga sa isang bahay.

Agad naisugod sa Gumaca District Hospital ang mga sugatang pasahero na sina Maria Anna Raiza Maragana, Jodelyn Martin, Diosie Ongcay, Maria Fe Panlican, Gerardo Quiñones, Ric Rojo at Lilian Yanto.

Sa RAKKK Prophet Medical Center naman dinala si Talento.

Wala namang nasugatan sa mga nakatira sa nabanggang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?