784

By

2 dayuhan nahulog sa Makati, patay

Nakahandusay sa tapat ng isang hotel sa Makati City ang dalawang dayuhan, Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa tapat ng tinutuluyan nilang hotel sa Kalayaan at Makati Avenue.

Habang nagpapatrulya ang mga pulis sa naturang lugar ay bigla silang nakarinig ng malakas na kalabog. Nang tignan ay tumambad sa kanila ang bangkay ng mga biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang insidente kung ang mga ito ay aksidenteng nahulog o tinulak.

Aalamin din kung ang dalawang biktima ay nagtatalo nang maganap ang insidente kaya bubusisiin din ng pulisya ang close circuit television (CCTV) ­camera kung nahagip ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?