75
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
By

2 Chinese sa Las Piñas timbog sa sex chat

Patung-patong na mga kaso ang kinahaharap ngayon ng isang babae at lalaking Chinese matapos ireklamo kagabi ng isang dalagitang housekeeper na kanilang binayaran ng P200 kapalit ng “sex chat” sa Las Piñas City.

Paglabag sa mga kasong Republic Act (RA) 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act, RA 10175 o Anti-Cybercrime Law at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek na sina Li Pingqiao, 23, at Lina Phuong, 23, parehong Tsino na naninirahan sa Avida Tower, Barangay Almanza Uno ng nabanggit na lungsod.

Base sa report ni PCol. Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Alabang-Zapote Road sa lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Girlie”, 17-anyos na housekeeper, nirentahan siya ng dalawang nabanggit na suspek para makipag-sex chat at babayaran aniya siya ng halagang P200.

Agad namang nakapagsumbong ang biktima sa mga awtoridad, kaya naaresto ang dalawang Chinese national.

Narekober naman mula sa pag-iingat ng dalawang dayuhan ang P200 na bayad ng mga suspek at ang hard copy ng template para sa sex chat.

Pinayuhan naman ng pulis ang mga kababaihan na huwag agad magtiwala sa mga taong nag-aalok ng ganitong modus at agad ipaalam sa kanila upang maaresto ang mga gumagawa nito.

Samantala, ang dalawang dayuhan ay kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Las Pinas City Police at sasampahan ng mga nasabing kaso sa Las Piñas Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?