64
kidnap
By

2 Chinese national nang-kidnap ng kababayan

Isa na namang kidnapping na kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nangyari matapos maaresto ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese national sa pandurukot ng isa pang Chinese.

Kinilala ni Police Lt. Col. Villaflor Banawagan, Luzon field unit commander ng PNP-AKG, ang mga suspek na sina Wan Renhong at Wan Liang, mga miyembro ng isang Loan shark syndicate.

Base sa sinumpaang salaysay ng nasagip na biktima na si Wang Hong, natalo siya sa sugal noong Disyembre 4, 2019 at nangutang ng P1 milyon na may tubo na 15 percent kapag siya ay nanalo sa sugal subalit natalo din ang hiniram nitong pera sa mga suspek kaya kinidnap siya ng mga ito at dinala sa isang hotel.

Disyembre 8 habang pinipigil sa Baymont Hotel ang biktima ay nagbanta ang mga kidnapper na papatayin nila ito kung hindi siya makakapagbayad ng utang.

Nagawa naman umano ng biktima na makapagpadala ng mensahe sa kaibigan at kanyang lokasyon na naging susi para matunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng mga suspek.

Sumailalim na ang dalawang Tsino sa inquest proceeding sa Department of Justice at nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?