88

2 chemistry teacher swak sa paggawa ng droga sa school lab

Timbog ang dalawang chemistry professor sa akusasyon ng pag-manufacture ng methamphetamine at paggamit ng mga drug paraphernalia, ayon sa mga awtoridad.

Lampas isang buwan nang naka-administrative leave sina Terry David Bateman, 45, at Bradley Allen Rowland, 50 ng Henderson State University matapos mangamoy ang hindi natukoy na chemical odor sa isa university science center, ayon sa tagapagsalita ng school na si Tina Hall.

Sa initial test, dagdag pa ni Hall, nakitang may elevated presence ng benzyl chloride sa nasabing school laboratory, isang kemikal na pwedeng gamitin sa paggawa ng meth.

Inaresto sina Bateman at Rowland nitong Nobyembre 15 at sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Mabigat na kaso ang manufacturing metamphetamine na magreresulta nang hanggang 40 taong pagkakakulong. Samantala, hanggang 20 taon namang pagkakakulong ang paggamit ng drug paraphernalia ayon sa Arkansas-based law firm Huffman Butler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?