628

By

2 broadcaster, kulong ng 8 taon dahil sa online libel

Napatunayang nagkasala ang dalawang broadcaster sa online libel nitong Biyernes.

Ayon sa report, inihain ang kaso ni North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza laban kina Eric Dugaduga Rodinas, anchor ng Radyo Natin; at Larry Baja Subillaga.

Nag-ugat ang kaso sa malisyoso umanong mga pahayag sa kanilang mga social media account ng mga akusado noong Marso 14, 2017.

Inakusahan ni Rodinas sa kanyang Facebook post ang gobernadora na naging mayaman umano dahil sa isang proyekto habang si Subillaga naman ay sinabing niloloko ng gobernadora ang mga mamamayan ng lalawigan.

Kapwa nag-plead ng guilty ang dalawang broadcaster sa ginawang arraignment sa kanila sa Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City.

Hinatulan sina Rodinas at Subillaga ng dalawa hanggang sa walong taon na pagkakakulong at pinagbabayad din ng P2,500,000 bilang damages.

Nakatakda namang iapela ito ng dalawa sa Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?