177
2 ‘Bonnet Gang’ member patay sa engkuwentro sa Laguna
By

2 ‘Bonnet Gang’ member patay sa engkuwentro sa Laguna

Todas ang dalawang drug suspect na mga miyembro umano ng “Bonnet Gang” matapos manlaban sa mga pulis sa Baragay Nanhay, Victoria, Laguna nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Laguna Police ang dalawang nasawi na sina Christopher Teñido alyas Bulok, leader ng Bonnet Gang; at Ruperto Pabalan.

Nabatid na kasama si Teñido sa Top 10 provincial high value target at matagal nang tinutugis dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa ulat, maghahain sana ng warrant of arrest ang Laguna Police at Criminal Investigation and Detection Group-Laguna laban sa mga suspek pero agad silang pinaputukan ng mga ito habang papalapit.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta naman sa pagkakasugat ng mga suspek.

Nagawa pa silang maisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang isang submachine gun at isang kalibre .45 na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?