41
2 estudyanteng tulak ng marijuana, nasakote sa Cainta
By

2 binatilyo sa Las Piñas swak sa damo

Nasa alanganin ngayon ang dalawang 17-anyos na binatilyo matapos umanong manggulo at mahulihan ng hinihinalang marijuana sa loob ng isang subdibisyon sa Las Piñas City nitong Linggo ng hapon.

Nasa kustodiya ng Las Piñas City Police at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Alarm and Scandal ang mga suspek na tinago sa pangalang “Mike” at “Roy.”

Batay sa ulat ni E/M/S Joachim TP Panopio, naganap ang insidente sa Doña Manuela Subdivision, Barangay Pamplona 3 sa lungsod, dakong alas-4:00 ng hapon.

Inaresto ng Police Community Precinct (PCP) 3 ang dalawa dahil sa panggugulo sa lugar, na inireklamo naman ng mga residente sa subdivision.

Minalas namang masamsam ang isang selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 1 gramo at nagkakahalaga ng P100 mula kay Mike.

Sumasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang dalawang binatilyo hinggil sa pagkakahuli sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?