26

Mar 25, 2020 @ 15:20
By

2 bebot huli sa dobleng patong sa presyo ng alcohol

Tulungan ang magliligtas sa bawat isa at hindi ang pagiging suwapang at pananamantala sa kapwa para sa sarili lamang ngayong nahaharap ang bansa sa krisis ng coronavirus disease.

Ito ang pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Major General Debold Sinas sa mga negosyante na hindi nagpapaawat sa kanilang gawain matapos may maaresto na namang dalawa katao sa pagbebenta ng overpriced na alcohol sa gitna ng kakapusan ng suplay nito.

“We have long heard the saying that the only thing that will redeem mankind is cooperation. This is a saying which we must think about as we face the hurdles of this pandemic. There is no way that we can save ourselves by being greedy. That will only worsen our situation. Cooperation is the key. With strong cooperation and collaboration of efforts, there is nothing we can’t achieve,” ani Sinas.

Base sa ulat ng Las Piñas City Police, inaresto ang mga suspek na nakilalang sina Jeaven Jean Gloria y Pagapong, 30 anyos at Rica Rose Bag-Ao Y Bug-Os, 31 anyos matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ginagawa ng mga ito sa pagbebenta ng mas mataas na presyo sa alcohol.

Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Section at Special Operations unit Follow-up Section ng Las Piñas City Police, nagbebenta ng Green Cross sanitizer at spray ang dalawang suspek sa dobleng halaga sa standard price nito.

Sa entrapment operation, dakong alas-5:40 ng hapon nang maaresto sa No. 1086 S. Marquez St., Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City ang mga suspek kung saan natukoy na ang 250 ml. bottle ng Green Cross alcohol ay ibinebenta ng P90 ang bawat isa, na doble sa standard price nito.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code dahil sa pagpapakita ng resistance at disobedience sa mga operatiba habang inihahanda pa ang ihahaing kaso kaugnay sa overpricing ng essential products habang umiiral ang State of Public Health Emergency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?