189

Oct 23, 2019 @ 16:53
By

2 bata patay sa sunog sa Tondo

Dalawa ang naitalang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang 3-story residential house sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Batay sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog ng alas-9:16 ng umaga at idineklarang fire out alas-9:39 ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Aliyah at Anastacia Morales, edad siyam at isa’t kalahating taong gulang.

Umabot naman sa tinatayang P30,000 ang ari-ariang naabo sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?