25

By

2 bagong breed kinilala ng American Kennel Club

Dahil kabilang na ang barbet at dogo Argentino, nasa 195 na ang kabuuang bilang ng mga kinikilalang dog breed ng American Kennel Club (AKC).

Isang water dog ang barbet mula France at napabilang na “sporting” group, ayon sa AKC. Matalino at palakaibigan ito at bagay ang balat nito para sa mga amo na mahilig mag-snuggle.

Samantala, perfect naman para sa mga sporty owner ang dogo Argentino na parte ng “working” group. Isa itong hunting dog mula Argentina kaya binalaan ng AKC ang mga bago nitong amo dahil sa kanilang strong guarding instinct at territorial tendency.

Para kilalanin ng AKC, dapat merong hindi bababa sa 300 hanggang 400 aso ang isang dog breed sa at least 20 states, at mayroong breed club ang dog breed.

Anumang aso na opisyal na kikilalanin ng AKC ay papayagang sumali sa alinmang event ng AKC at mga partner club nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?