72

Jun 11, 2020 @ 9:33
By

2 aso sinalubong sa airport yung amo

Kumaripas ng takbo ang dalawang aso nang makita ang papalapit nilang amo, saka ito pinaulanan ng halik.

Sa umpisa, makikita ang mga Jack Russell Terrier na nag-aabang sa arrival lounge ng isang paliparan.

Nang pumito ang kanilang lalaking amo ay humagibis na ang mga alaga.

Napaupo pa sa sahig ang amo, kaya todo halik ang mga aso habang nagtatatalon at sige ang paggalaw ng kanilang buntot.

Bakas ang tuwa maging ng kumukuha ng nasabing TikTok video ni Peter Sage na binahagi sa Twitter.

“Na natanggap ka nila tulad nito ay dapat isa sa mga di malilimutang sandali sa buhay !!!,” sambit naman sa Spanish ng isang dog page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?