50

May 19, 2020 @ 22:13
By

2 arestado sa pagbebenta ng mga COVID-19 test kit

Nadakip sa ikinasang entrapment operation ang dalawa katao dahil sa iligal na pagbebenta ng mga test kit para sa COVID-19.

Kinilala ng National Bureau of Investigation ang mga suspek na sina Shanon April Mejia Alegre at Esseline Rasia Sy Ong.

Naaresto sila noong Mayo 14 sa isang bahay sa BF Homes, Parañaque City matapos makipagtransaksyon sa kanila online ang isang undercover NBI agent kung saan bumili siya ng 200 na kahon ng test kit.

Nagkakahalaga ng P12,000 kada kahon ang mga test kit, na may markings na “Wondfo SARS COV2 Antibody Test (Lateral Flow Method)”.

Batay sa advisory ng Food and Drug Administration (FDA), “for medical professional use” lang ang mga COVID-19 test kit at hindi para sa personal use.

Maaari lang makakuha ang publiko nito sa pamamagitan ng reseta mula sa doktor at ospital.

Batay sa FDA Circular No. 2020-016, ipinagbabawal ang online selling ng FDA certified COVID-19 antibody test kit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?