16

Jun 30, 2020 @ 15:14
By

2 area sa Ormoc, nilagay sa lockdown

Sinailalim sa precautionary lockdown ang lugar sa dalawang barangay sa Ormoc City, Leyte dahil sa banta ng COVID-19.

Sa Executive Order na nilagdaan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, isasarado muna ang Block 6, Lot 15 sa Barangay Jica Lao, gayundin ang Purok 1 sa Barangay Milagro.

Ito’y matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang mula sa nasabing lugar, na maagang napalabas sa mandatory quarantine.

Matatandaan na hinayag ni Goma ang biglaang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Aniya, ito ay dahil sa pagpasok ng mga locally stranded individual sa kanilang lugar, na karamihan ay nanggaling sa mga lugar na maraming positive case tulad ng Metro Manila at Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?