26

May 23, 2020 @ 16:54
By

2 anak ng konsehal sa Maynila, timbog sa droga

Arestado ang dalawang anak ng isang konsehal sa Maynila sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo.

Ayon sa ulat ng Inquirer, mismong si Councilor Jesus Fajardo ang nag-report sa mga awtoridad hinggil sa illegal drug activity sa lugar Huwebes ng hapon.

Batid umano ni Fajardo na kabilang dito ang dalawa niyang anak at apat na iba pa.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Cuaresma, Rowena Canlas, Jayson Ramos, Jay Ramos at mga anak ng konsehal na sina Janeth at Jonathan Fajardo.

Narekober ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng P136,000 mula sa bahay ng mga suspek sa Santa Barbara Street, Barangay 19.

Ang grupo ng mga suspek ang umano’y nagpapatakbo ng kalakaran ng iligal na droga sa lugar at mga kalapit na barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?