389

By

Mayor Isko binigyan ng tips ni Lacson kontra kotong cops

Binigyan ng payo ni Senador Panfilo Lacson si Manila Mayor Isko Moreno kung paano matitigil ang pangongotong sa mga vendor at driver sa lungsod.

“Sa kanya naman ang isang problema ang internal cleansing tapos paano matitigil ang kotong. Siyempre nakikipag-ano siya sa vendors and drivers, nariyan pa rin, may nangongotong na pulis. Yan din, binigyan ko siya how to go about it,” ani Lacson patungkol sa naging pag-uusap nila ni Moreno.

Alam aniya ng alkalde na poproblemahin nito ang sarili niyang kapulisan sa Maynila na puwede siyang paikutan.

“Alam niya kaya siya humingi ng audience at kaunting tips, dahil poproblemahin niya sariling police force sa Manila at malapit sa kanya na pwedeng paikutan siya. Ang mama naman street-smart si Isko, ginagawa niya ngayon, very effective sa Manila. And he wants to sustain it. Sabi ko ‘yan ang pinakamahirap,” kuwento ni Lacson.

Dapat maging consistent daw ang alkalde sa mga ipinatutupad nitong batas para hindi masira ang lahat ng ginagawa nito para sa ikaaayos ng lungsod.

“Pero ang key riyan, consistency. Pag medyo naligaw ka riyan at nakitang di ka consistent, doon masisira lahat na ginagawa mo. Yan lang advice namin kay Isko,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?