31

By

1K prosecutor kailangan ng DOJ

Nangangailangan ang Department of Justice (DOJ) ng nasa 1,000 na prosecutor o higit pa na ilalagay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, continuous umano ang kanilang ginagawang pag-screen ng mga application.

Nasa 500 na ang nominado nila na dinala na sa Office of the President at naghihintay sa lagda ng Pangulo kaya umaasa si Guevarra na marami pang mag-aplay para rito.

Plano umanong punuan muna ang mga lugar na kailangan na kailangan ng prosecutors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?