33

By

1K OFW lilikas mula Lebanon

Hindi bababa sa 1,000 overseas Filipino worker (OFW) ang gustong umuwi mula Lebanon, sa kasagsagan ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Ito ang bilang ng mga OFW na gustong lumikas, bagaman hindi na sakop ang Iran at Lebanon ng mandatory repatriation order ng Department of Labor and Employment.

Sa datos ng DOLE, nasa 33,324 ang OFW sa Lebanon, karamihan ay mga domestic worker.

Ang “pinakamalaking hamon” na nakikita umano ni Philippine Overseas Employment Administration Administrator Undersecretary Bernard Olalia, ang pagkumbinse sa mga OFW doon na umuwi sa Pilipinas.

“Kasi karamihan diyan ay matatagal na diyan, sanay na sa gulo. Kahit hindi sumiklab yung kaguluhan sa Iraq alam na nila kung paano ang gagawin nila, so yun po ang nakikita naming challenge, how to convince them to go home and ma-repatriate po sila from Lebanon,” ani Olalia sa GMA News.

Samantala, inaasahang darating na sa bansa ang unang batch ng mga pinalikas na OFW mula Iraq.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?