180
murderer
By

18 saksak itinarak sa lady therapist: Supplier ng ‘ party drugs ‘ wanted sa murder

Hindi na naitago ng supplier ng ‘party drugs’ ang kaniyang kasong murder bagama’t binago niya ang kanyang pangalan nang mahuli ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) nitong nakaraang Enero 12 sa isang condo unit sa Mandalayong City.

Ito ay makaraang makilala ng pamilya ng biktimang si Maria Raziel Joy Alfaro, registered theraphist, na umanoy’ sinaksak nito ng 18 beses, dahil sa paninira umano ng huli sa live-in partner ng suspek na si Shannon James Bon Buckly, residente ng Blk 4 Lot 16 E. De Castro Village Mulawan Tanza Cavite.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, si Buckly ay nagpakilala sa pangalang Herald Penaflor nang kanilang mahuli, kasama ang tulak na si Lester Almabes sa Unit 410 Princeviller Mandaluyong, dakong alas 9:00 ng gabi.

Subalit nakilala din si Buckly ng pamilya nang pinatay nitong therapist nang makita ang larawan niya sa mga pahayagan at napanood sa telebisyon kaya naman agad na nagtungo ang mga ito sa tanggapan ng PDEA.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng PDEA kay Buckly kung mayroon pa itong kinasasangkutan krimen.

Samantala ikinagalak naman ng pamilya ni Alfaro ang nangyaring pagkaaresto sa pumatay sa kanilang kaanak dahil mabibigyan na rin nila ng hustisya ito na halos isang taon na ang nakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?