142

By

18 Chinese nadakma sa online illegal gambling sa Pampanga

Inaresto ang nasa 18 Chinese nationals sa Angeles City dahil sa access device fraud at online illegal gambling.

Ayon sa National Bureau of Investigation-Cybercrime Division, nag-ugat ang pagdakip sa mga Chinese noong Marso 18 sa bisa ng search warrant na inisyu ng Capas, Tarlac Regional Trial Court Branch 66 laban sa Royal Genghis International Development Inc., na matatagpuan sa Savers Mall, McArthur Highway, Balibago, Angeles City.

Ilan sa nakumpiskang gamitan sa kumpanya ang cellphone, desktop computers, laptops, skimming devices at iba’t ibang debit cards.

Samantala, kasalukuyan pang bini-verify ang pagkakakilanlan ng mga naaresto.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8484 o ang Access Devices Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?