40

May 23, 2020 @ 20:35
By

18-anyos na may taning na ang buhay, pinakasalan ang nobya

Hindi napigilan ng masamang balita ang kagustuhan ng isang 18-anyos na lalaki na pakasalan ang kanyang high school sweetheart.

Plano sana ni Chase Smith na pakasalan si Sadie Mills matapos nilang grumadweyt ng college, ayon sa CBS News report.

Pero nang matanggap niya ang bad news mula sa mga doktor nitong taon at tinaningan siya ng tatlo hanggang limang buwan matapos lumala ang sakit niyang Ewing Sarcoma, agad niyang tinupad ang kanyang pangarap.

Nakitaan ng tumor ang baga, balikat at utak ni Smith. Una siyang na-diagnose na may bone cancer noong 12-anyos siya at lumala ang kanyang kondisyon nitong 2019.

Abril 2020 nang magpakasal siya kay Mills.

Nagkakilala ang dalawa nang magkalaban sa swimming sa Indiana at nagsimulang mag-date noong Disyembre.

Sa ngayon daw ay sumasailalim sa palliative radiation treatment at chemotherapy si Chase.

Nakatira na rin sa bahay nila si Sadie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?