78

May 23, 2020 @ 12:09
By

17M pamilya lang makakatanggap sa 2nd wave ng SAP

Bahagyang nabawasan ang benepisyaryo sa social amelioration program (SAP) para sa ikalawang tranche nito.

Sa nilabas na memo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inatasan nito ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na idagdag ang limang milyong pamilya na pasok sa kuwalipikasyon sa 12 milyong beneficiary naman sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development.

Saad pa sa memo, posible pa ring makatanggap ang mga pamilya mula sa general community quarantine kung patuloy pa rin ang restriction para sila’y hindi makapagtrabaho.

“While it is only natural that most beneficiaries would come from those still living in Enhanced Community Quarantine areas, as stricter kinds of community quarantine deprive more people of means of support, household beneficiaries most affected by the continuing restrictions in the operation of certain industries and sectors in areas under a General Community Quarantine may still be considered for the Second Tranche,” ayon sa utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, mananatili naman ang bilang ng mga benepisyaryo at budget para sa unang tranche ng social amelioration program.

Hindi klaro kung kasama na sa naturang bilang ang pinangakong dagdag na limang milyong pamilya na madadagdag sa unang tranche ng SAP, ayon sa nagdaang press briefing ni presidential spokesperson Harry Roque, o mananatili na lamang ito sa 18 million beneficiary.

“Naaprubahan na po hindi lang 18 million ang mabibigyan ng SAP sa first tranche, nadagdagan na po ng limang milyon,” saad ni Roque noong May 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?